๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—”๐—ฟ๐—บ๐˜†, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ข. ๐Ÿณ๐Ÿฌ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ

Amas, Kidapawan City | Pebrero 8, 2023 – Bilang bahagi ng pagpapatuloy na implementasyon ng EO 70 o Whole-of-Nation Approach, binisita ni bagong talagang 1002nd Brigade Commander Col Patricio Ruben Amata at 39th Infantry Battalion Commander LTC Ezra L Balagtey ang tanggapan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza nitong araw ng Martes.

Sa naturang pagbisita, inihayag ni Col Amata at LTC Balagtey na ibibigay nito ang kanilang buong suporta sa pamahalaang panlalawigan upang maayos na maipatupad ang EO 70 na tugon ng pamahalaan sa problema ng insurhensiya.

Dagdag pa ni Col Amata, magandang hakbang ang ELCAC upang maihatid sa mga conflict-affected areas lalo na sa mga liblib na lugar ng probinsya ang mga programa at proyekto ng gobyerno.

Ang suportang ito ng AFP ay pinasalamatan naman ni Provincial Governor’s Office Executive Assistant I Jessie F. Enid, Jr. at sinabing ang probinsya sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ay bukas sa pagbibigay ng suporta sa anumang inisyatibong pangkapayapaan na makakatulong sa pag-unlad ng lalawigan.

Nasa nasabing pagpupulong din sina Provincial Administrator Aurora P. Garcia, ELCAC Focal Persons Vilma Q. Mendoza, Jojo Ortizo at Edgar Visabella.//idcd-pgo//