Governor Mendoza dumalo sa BIMP-EAGA strategic planning meeting sa bansang Brunei

Amas, Kidapawan City| Pebrero 8, 2023- Dumalo sa isinasagawang tatlong araw na Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines- East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Strategic Planning Meeting (SPM) sa bansang Brunei si Cotabato Governor at Regional Development Council Chair Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.

Kasama ni Mendoza sa nasabing pagpupulong si Kabacan Mayor Evangeline P. Guzman at Libungan Mayor Angel Rose L. Cuan kung saan nabigyan ito ng pagkakataon na malaman ang kasalukuyang estado na kinakaharap ng mga bansang kasapi ng BIMP-EAGA at ang mga plano at proyektong nais ipatupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. lalo na sa isla ng Mindanao.

Bilang RDC XII Chair, Pinasalamatan ni Governor Mendoza ang Mindanao Development Authority at Department of Trade and Indusry (DTI)) sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na maging isa sa mga delegado ng nasabing pagpupulong na ayon sa kanya ay malaki ang maitutulong lalo na sa pagsusulong ng kaunlaran sa SOCCSKSARGEN Region.

Ang pagpupulong ay nagsimula nitong Pebrero 6 at matatapos ngayong araw Pebero 8, 2023.//idcd-pgo//