Nasimulang programa ng NTF-ELCAC dapat ipagpatuloy ayon kay Governor Catamco

Amas, Kidapawan City (Nobyembre 12, 2021)- Nanawagan ngayon si Cotabato Governor Nancy A. Catamco sa mga mambabatas na ipagpatuloy ang mga programa at proyektong naumpisahan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ginawa ni Governor Catamco ang pahayag sa programang Bantayan ng DXND, matapos hingin ang reaksyon nito sa pagkaltas ng ng halos 86%  sa pondo ng NTF-ELCAC sa susunod na taon.

Ayon sa gobernadora, kailangang ipagpatuloy ang programang nasimulan ng NTF-ELCAC dahil maraming mga barangay sa lalawigan na dating apektado ng insurhensiya ang naging benepisyaryo ng naturang programa.

“Kining programa sa ELCAC dako gyud ang natabang aron matubag ang batakang panginahanglanon sa barangay nga apektado sa insurhensiya,” ayon pa sa gobernadora.

Binigyang diin din nito na sa implementasyon ng P20M Support to Barangay Development Program(SBDF) ng NTF-ELCAC naramdaman ng mga benepisyaryong barangay ang tunay sa serbisyo at  malasakit ng pamahalaan.

Aniya,” Kining P20M pondo nga gihatag karon sa mga conflict-affected barangays diri sa probinsya naghatag ug kalambuan  sa mga barangay nga kaniadto dili maabot sa serbisyo sa gobyerno.”

Maliban sa pagbibigay ng P20M pondo, ang NTF-ELCAC sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan ay nagsasagawa din community immersion at serbisyo caravan upang matugunan ang  pangunahing pangangailangan ng mga mamayan ng benepisyaryong barangay.

Ang lalawigan ng Cotabato ang kauna-unahang probinsya sa Rehiyon XII na nakapag-implementa ng mga programang pinondohan ng SBDF.

Ngayong taon, tatlumpu’t anim (36) na mga conflict-affected barangays sa lalawigan ng Cotabato ang nakatanggap ng tig P20M na pondo mula sa NTF-ELCAC na gagamitin sa pagpapatupad ng infra at non-infra projects batay sa pangangailangan ng benepisyaryong barangay.

Sa susunod na taon karagdagang 55 na mga conflict-affected barangays sa probinsya ang aasahan pang makikinabang sa programa ng NTF-ELCAC.//idcd//