Mandatory wearing of facemask sa kapitolyo ipinag-utos ni Governor Mendoza

Amas, Kidapawan City| Abril 25, 2023- Mandatory na pagsusuot ng facemask sa Kapitolyo ipinag-utos ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Talino-Mendoza.

Ipinapaalam sa publiko na bunsod ng unti-unting pag-taas ng kaso ng Covid-19 sa probinsya, mariing ipinag-utos ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa mga department heads at Chiefs of Hospital ng provincial government ang agarang pagpapatupad ng health protocols sa lahat ng tanggapan nito.

Kabilang dito ang mandatory na pagsuot ng face mask at paggamit ng hand sanitizers para sa mga empleyado, kliyente at bisita na papasok sa kapitolyo.

Inatasan din nito ang lahat ng security personnel na panatilihin ang mahigpit na pagpapatupad ng nasabing kautusan.//idcd-pgo-dalumpines/