Social pension para sa mga Sr. Citizens ipinamahagi sa bayan ng Alamada

Amas, Kidapawan CityI April 24, 2023- Patuloy pa rin ang pamamahagi ng tig-P3,000.00 social pension para sa mga kwalipikadong senior citizens sa lalawigan ng Cotabato, kung saan abot na sa 7,347 na mga benepisyaryo ang masayang nakatanggap nito mula sa mga bayan ng Libungan at Banisilan, na may katumbas na higit P22M kabuoang halaga.

Sinimulan na rin ngayong araw ng Lunes, ika-24 ng Abril, ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office 12 at ng Provincial SWDO, kasama ang Provincial Treasurer’s Office ang dalawang araw na distribusyon sa bayan ng Alamada na magtatapos bukas ayon na rin sa direktiba ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza para sa agarang pamamahagi nito.

Nakapagtala ng 4,753 na mga benipisyaryo ang nasabing bayan, na may kabuohang halaga na P14,259,000.00 ang patuloy na ipinamimigay.

Ang naturang aktibidad ay sinaksihan nina Former Board Member Shirlyn Macasarte-Villanueva at Former Board Member Rose Cabaya bilang mga kinatawan ni Gov. Mendoza //idcd-pgo-frigillana//Photoby PSWDO