๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐๐ฎ๐๐ ๐ž๐ญ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž, ๐ฐ๐š๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ฏ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘ ๐ญ๐ก๐ž๐ฆ๐ž ๐ฐ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐  ๐œ๐จ๐ง๐ญ๐ž๐ฌ๐ญ

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ | Abril 13, 2023-Kasabay ng isinagawang flag raising ceremony ng pamahalaang panlalawigan nitong Martes, Abril 11, pormal na ring inanunsyo ni Provincial Administrator Aurora P. Garcia, ang nagwagi sa Kalivungan 2023 theme writing contest.

Sa 25 entries na nagmula sa mga iba’t ibang opisina ng pamahalang panlalawigan, ang isinulat na tema ng Provincial Budget Office (PBO) na. “Serbisyong Tapat at Totoo, Panalo ang Bawat Cotabateรฑo” ang namukod tangi at siyang gagamiting opisyal na tema para sa ika-109 Founding Anniversary Celebration ng lalawigan o Kalivungan Festival sa darating na Setyembre.

Bilang premyo sa nasabing patimpalak, ang mga empleyado ng PBO ay makakatanggap ng P5,000 cash prize at libreng tour and food package sa Carmen Eco-Tourism Park and Spring Resort sa Brgy. Liliongan, Carmen.

Ipinaabot naman ni PA Garcia ang pasasalamat ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza sa mga kawani ng kapitolyo na patuloy na nagsisikap na maihatid ang serbisyo at pangangailangan ng bawat Cotabateรฑo.//idcd-pgo-mombay//