๐๐Ÿ๐Ÿ“๐Œ ๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š ๐ง๐  ๐ซ๐จ๐š๐ ๐œ๐จ๐ง๐œ๐ซ๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐‹๐ข๐ง๐š๐ง๐ ๐ค๐จ๐›, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ

Amas, Kidapawan City | Hunyo 20, 2023 โ€“ Ipinagpasalamat ngayon ng mga residente at opisyales ng Brgy. Linangkob, Kidapawan City ang kanilang bagong konkretong daan mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato na nagkakahalaga ng abot sa P15M.

Ito ay may habang 1.3 kilometro mula sa Brgy. Linangkob papuntang Marbol River na mapapakinabangan hindi lamang ng mga residente ng naturang barangay kundi pati na rin ng Brgy. Marbel at Sto. Niรฑo sa Kidapawan City, Brgy. Inac, Del Pilar at Alibayon sa bayan ng Magpet at Brgy. Sagcungan at Alegria sa bayan ng President Roxas.

Sa isinagawang turnover ngayong hapon na pinangunahan ni Governor Emmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo Mendoza inilahad nito na prayoridad ng kanyang pamunuan ang mga proyektong pang imprastraktura na makakatulong sa pag-unlad ng mga komunidad sa lalawigan.

Lubos na pasasalamat naman ang ipinaabot ni Brgy. Linangkob Chairman Rodolfo B. Rodriguez dahil isa ang kanyang barangay sa mga makikinabang sa ginhawang hatid ng nasabing proyekto mula sa probinsya.

Ang naturang turnover ay sinaksihan din ni Liga ng mga Barangay Federation President Phipps T. Bilbao, Provincial Engineer Espiridion S. Taladro, mga kawani ng Provincial Engineer’s Office (PEO) at iba pang opisyales ng nasabing barangay.//idcd-pgo-mombay/delacruz/PhotobyWSamillano//