Probinsya ng Cotabato pinarangalan dahil sa tagumpay na kampanya laban sa Malaria

Amas, Kidapawan City | Mayo 2, 2023 – Ang probinsya ng Cotabato ay ginawaran ng Malaria-Free certification, plaque of recognition at P1M cash award sa pagkamit ng Malaria-Free Status nito mula sa Department of Health (DOH) sa ginawang awarding ceremony nitong ika-25 ng Abril sa Quezon City.

Ang nasabing award ay batay sa datus na naisumite ng IPHO Malaria Elimination Hub at ng Rural Health Units (RHUs) ng lalawigan na walang naiulat na mga indigenous case sa loob ng limang taon. Isa ang Cotabato sa 16 na mga probinsyang idineklarang malaria-free sa taong 2019-2022 sa nasabing parangal.

Dumalo sa nasabing aktibidad si Committee on Health Chairman at 3rd District Board Member Ivy Martia Lei C. Dalumpines bilang representante ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza kasama sina Integrated Provincial Health Office (IPHO) Head Dr. Eva C. Rabaya at Rural Health Physician Dr. Patrick Julius Paccal.//idcd-pgo-catalan/Photoby BM Ivy, IPH0//