๐๐Ÿ‘.๐Ÿ“๐Œ ๐œ๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ž๐ ๐œ๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ซ๐ง๐จ๐ฏ๐ž๐ซ ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐‚๐ƒ๐‚ ๐ก๐ž๐š๐๐ช๐ฎ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ซ๐ฌ

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ|Abril 11, 2023– Pasasalamat ang ipinaabot ng mga reservist kay Cotabato Governor Emmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo Mendoza matapos nitong pangunahan nitong Abril 4 ang turnover ng P3.5M covered court with stage sa Headquarters ng 1201st CDC, sa Camp Lucero, Carmen Cotabato na pinondohan ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay CDC Director LTC Lloyd T. Orcullo, masaya siya dahil sa wakas ay mayroon na silang magagamit na pasilidad para sa mga trainings at iba pang aktibidad ng AFP na may kinalaman sa pagtiyak ng seguridad at kapayapaan sa lalawigan.

โ€œWe are truly grateful because the construction of this covered court would not be possible without the help of the provincial government through the leadership of Gov. Lala,โ€ lahad pa ni Orcullo.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Governor Mendoza, na isa ring AFP reservist na ang pamahalaang panlalawigan ay laging nakahandang tumulong lalo na sa usaping pangkapayapaan at seguridad at pagbibigay ng infrastructure and development sa bawat barangay ng probinsya.

Ang aktibidad ay sinaksihan din ni 2nd District Representative Rudy S. Caoagdan na isa ring reservist at may ranggong Lieutenant Colonel, kasama si 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos na nagpaabot din ng kanilang kasiyahan at pagbati sa mga reservist at opisyales ng AFP.

Nakiisa rin sa aktibidad si 602nd Brigade Commanding Officer Donald M. Gumiran at mga reservist mula sa ibaโ€™t ibang bayan ng lalawigan.//idcd-pgo-sotto//