NutriLEAP program, pinaghahandaan ng kapitolyo katuwang ang Zuellig Family Foundation

Puspusan na ngayong pinaghahandaan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato katuwang ang Zuellig Family Foundation (ZFF) ang implementasyon ng Nutrition Leadership and Equity Acceleration Program (NutriLEAP) na nakatakdang ipatupad sa lalawigan ng Cotabato. 

Ang NutriLEAP ay isang inisyatiba ng Zuellig Family Foundation (ZFF) na naglalayong pahusayin ang estado ng nutrisyon sa buong Pilipinas sa pakikipagtulungan ng League of Provinces of the Philippines. Sa naturang programa ng ZFF, matutulungan ang mga probinsya na mapabuti ang lokal na sistema ng nutrition programs na ipinapatupad sa kanilang nasasakupan.

Sa isinagawang Executive Session for the Governor ngayong hapon, Marso 21, 2025 na pinangunahan mismo ni ZFF President and Executive Director Austere Panadero, pinag-usapan ang mga profile and nutrition status ng mga bata sa lalawigan na iprinisenta ni Integrated Provincial Health Officer Dr. Eva C. Rabaya na mahalaga sa pagbuo ng komprehensibong plano and framework upang malabanan ang stunting o pagkabansot sa mga bata. 

Ang aktibidad na dinaluhan ng mga kinatawan ng Department of Education, Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), Provincial Social  Welfare and Development Office (PSWDO), at Office of the Provincial Veterinarian (OPVEt) ay nagbukas ng pagkakataon para mas lalong maintindihan ng bawat concerned offices ang kanilang papel sa pagtataguyod ng NutriLEAP program.

Tiniyak naman ni Executive Director Panadero na magiging kabalikat ng probinsya ang foundation sa pagbalangkas ng plano na tutugon sa pangangailangan ng probinsya lalo na sa usapin ng malnutrisyon. 

Sa kanyang naging mensahe, binigyang diin naman ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na, “A healthy community is crucial in all aspects.” 

Hiniling din nito na tutukan ang mga pamilyang may mga buntis at nagpapasusong ina na nasa panganib ng malnutrisyon, pati na rin ang mga teenage at child mothers, upang mabigyan sila ng sapat na suporta at maiwasang maging stunted o wasted ang kanilang mga anak.//idcd-pgo-sotto/photobyWMSamillano//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *