Mahahalagang kaalaman tungkol sa mango exportation, value-adding, marketing strategy and production, pinag-usapan sa ginanap na forum

Amas, Kidapawan City| Nobyembre 20, 2024- Naging makabuluhan ang araw ng Miyerkules para sa mga mango growers and contractors ng lalawigan matapos itong nakilahok sa isang araw na Mango Forum na inorganisa ng Office of the Provincial Agriculturist na ginanap sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City. 

Ang naturang pagtitipon ay naghahangad na tingnan ang mga kinakailangang interbensyon ng Provincial Mango Industry Council na magiging katuwang ng pamahalaang panlalawigan at Department of Agriculture sa pagpapalakas ng sektor ng mangga sa lalawigan. 

Naging daan din ang forum para  mabigyan ng bagong kaalaman ang mga partispante tungkol sa mango exportation, value-adding, marketing strategy at production na makakatulong sa mga ito para mas lalo pang mapataas ang kanilang  produksyon, ani at kita. 

Masaya ring ibinahagi ni Midsayap Municipal Mayor Rolando Sacdalan ang best practices in mango production na ipinapatupad nito sa kanyang bayan na naging benepisyaryo ng Mango Enhancement Program ng isang kompanya mula sa bansang New Zealand. 

Bilang kinatawan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA, muling ipinaalala ni Boardmember Jonathan Tabara ang pagsisikap ng lalawigan na matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka.

Samantala, binigyang diin naman ni Former DA Regional Director at ngayon ay Provincial Advisory Council Member Amalia J. Datukan na kabilang sa mga programang inilunsad ng kapitolyo ang taunang Mango Harvest Festival na naghahangad na maipakilala hindi lamang sa local market kundi maging sa labas ng bansa ang magandang kalidad ng mangga sa probinsya.//idcd-pgo-sotto//