๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฐ, ๐—ง๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป

Amas, Kidapawan City- Hindi maikubli ng mga opisyal ng Barangay Tambac, Tulunan, Cotabato ang kanilang kagalakan matapos personal na tanggapin ang tsekeng nagkakahalaga ng P300,000 mula kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza.

Ang nasabing tseke ay personal na tinanggap ni Tambac Barangay Chairman Rolly P. Castroverde na labis na nagpasalamat sa pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay sa kanila ng pinansyal na tulong na magagamit sa pagbili ng 1,200 sqm. na lupa na gagamitin sa pagtatayo ng extension ng kanilang existing barangay hall.

Pasasalamat ang ipinaabot ni Chairman Castroverde sa pagtugon ni Governor Mendoza sa kanilang kahilingan na makakatulong upang mas maayos pa nilang maipaabot ang serbisyo sa kanilang nasasakupan.

Umaasa naman ang gobernadora na ang tulong na ipinaabot ng probinsya sa barangay ay maging inspirasyon upang pagbutihin pa nito ang pagbibigay ng serbisyo publiko.

Ang turnover ng tseke ay ginanap ngayong araw sa Provincial Governor’s Office, Amas, Kidapawan City.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//