“Shared responsibility”, buod ng mensahe ni Gov. Mendoza sa mga kawani ng Kapitolyo

Amas, Kidapawan City|- Kolektibong pagtutulungan, ito ang naging buod ng mensahe ni Gov. Mendoza sa mga kawani ng Kapitolyo sa isinagawang Flag Raising Ceremony, nitong ng Lunes, Hulyo 31, 2023.

Sa kanyang mensahe binigyang diin ni Governor Mendoza, na ang paglilingkod sa bayan ay isang “shared responsibility” na nangangahulugan ng kolektibong tungkulin na maiambag ng bawat isa upang makamit ang mithiing pag-unlad sa lipunan.

Aniya, ito ay hindi lamang limitado sa mga opisyal, pinunu ng departamento o mga division heads kundi ng bawat kawani ay may malaking papel na ginagampanan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Cotabateño.

Hinikayat din ng gobernadora ang mga empleyado na sa patuloy na paikiisa at suporta upang mahusay na maitaguyod ng pamahalaang panlalawigan ang kapakanan ng mas nakararami.

Tiniyak din nito na patuloy ang pagsusumikap ng kanyang administrasyon para maihatid at maipadama sa mga mamayan ng probinsya ang tunay na diwa ng adbokasiya nitong Serbiyong Totoo.

Sa maiksing programa na isinagawa sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City, ay ipinakilala rin ni Governor Mendoza ang mga meyembro ng Provincial Peace and Order Council Executive Committee.//idcd-pgo/dalumpines//Photoby: WMSamillano//