Amas, Kidapawan City- Ginhawa ngayon ang hatid para sa mga magsasaka ng Barangay Guiling, Alamada at Barangay Salama, Banisilan, Cotabato matapos iturnover ni Governor Emmylou โLalaโ Taliลo Mendoza ang dalawang multi-purpose drying pavement.
Ang bawat proyekto ay nagkakahalaga ng P550K na pinondohan sa ilalim ng provision of agricultural facilities and machineries ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Sa mensahe ni Salama Barangay Chairman Piang Buleg, pasasalamat ang kanyang ipinaabot kay Governor Mendoza sa walang sawa na malasakit at serbisyong ipinapaabot nito sa residente ng kanyang barangay mula noon hanggang ngayon na malaki ang naging kontribusyon sa pag-unlad ng kanilang komunidad.
Nagagalak din si Guiling Barangay Captain Mandig Makalalim sa proyektong natanggap nito mula sa probinsya. Ayon sa kanya, ang nasabing drying pavement ay malaki ang maitutulong sa mga magsasakang walang lugar na mapagbibilaran ng kanilang mga produktong pang-agrikultura.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ng ina ng lalawigan na prayoridad ng kanyang administrasyon ang sektor ng agrikultura kaya naman hindi ito tumitigil sa pakikipag-ugnayan sa ibaโt ibang government line agencies gaya ng Department of Agriculture kasama si 3rd District Representative Ma. Alana Samantha Taliลo Santos upang matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka.
Sinaksihan ni 3rd District Boardmember Jonathan Tabara, 1st District Boardmember Sittie Eljorie Antao, Provincial Advisory Council Member Rosalie Cabaya at Provincial Engineer Espiridion Taladro ang nasabing turnover.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//