Amas, Kidapawan City | Hulyo 04, 2023 – Pagkatapos ng provincial road turnover sa Brgy. Maluao, Pigcawayan, isa na namang road concreting project ng pamahalaang panlalawigan na nagkakahalaga ng higit sa P5M ang itinurnover sa Brgy. Poblacion 2, Pigcawayan, Cotabato.
Ito ay may habang 455 meters na pinondohan pa rin sa ilalim ng 20% economic development fund ng probinsya.
Ang pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ay walang tigil sa pagsasaayos at pagkokonkreto ng mga kalsada para sa madaliang pagluwas ng mga produkto ng magsasaka at pag-unlad ng bawat komunidad.
Nagpaabot din ng taos pusong pasasalamat si Pigcawayan Mayor Juanito C. Agustin kay Governor Mendoza sa mga proyektong ibinibigay sa kanyang bayan lalung-lalo na sa larangan ng infrastructure development.
Ang naturang aktibidad ay sinaksihan din nina Boardmember Sittie Eljorie Antao Balisi, Committee on Youth and Sports Provincial SK Federation President Sarah Joy L. Simblante, Provincial Advisory Council Member Rosalie H. Cabaya, Barangay Captain Rey N. Necor, Provincial Engineer Esperidion S.Taladro, mga opisyales at kawani ng naturang barangay at mga empleyado ng Provincial Engineering Office (PEO). //idcd-pgo-delacruz// PhotobySMNanini//