๐—ฃ๐Ÿฏ.๐Ÿฑ๐—  ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜, ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ถ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ. ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐˜‡๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฟ๐—ด๐˜†. ๐—จ๐—ฝ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ฃ๐—ถ๐—ด๐—ฐ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป

Amas, Kidapawan City | Hulyo 4, 2023 – Bukod sa pagkokonkreto at pagsasaayos ng mga daanan, isa din sa mga tinututukan ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ang pagpapatayo ng mga multi-purpose covered courts na maaaring magamit ng mga Cotabateรฑo.

Sa katunayan, ngayong araw lamang ay personal na inihandog ni Governor Mendoza sa mga residente ng Brgy. Upper Baguer sa bayan ng Pigcawayan ang P3.5M halaga ng covered court na nagmula sa 20% economic development fund ng pamahalaang panlalawigan.

Gayun naman ang pasasalamat ni Brgy. Upper Baguer Chairman Rey Manalo kasama ang iba pang opisyales dahil naniniwala ito na malaki ang magiging pakinabang ng naturang court lalo na sa pagsasagawa ng mga programa o aktibidad sa kanilang barangay.

Nasa naturang pagtitipon din sina Boardmember Sittie Eljorie Antao-Balisi, Provincial SK Federation President Sarah Joy L. Simblante, Provincial Advisory Council Member Rosalie H. Cabaya, Pigcawayan Mayor Juanito C. Agustin, Provincial Engineer Espiridion S. Taladro, at iba pang kawani ng Provincial Engineering Office.//idcd-pgo-mombay/PhotobySMNanini//