๐—ฃ๐Ÿฒ๐—  ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—ด๐—ฐ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ผ

Amas, Kidapawan City | Hulyo 04, 2023 – Isang masayang araw para sa mga residente ng Barangay Maluao, Pigcawayan, Cotabato matapos maiturnover ang higit sa P6M na provincial road concreting project mula sa pamahalaang panlalawigan na may habang 612 metro.

Ang naturang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng 20% Economic Development Fund ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza.

Sa kanyang mensahe, masaya si Governor Mendoza sa isa na namang proyekto na naipagkaloob ng lalawigan na bunga ng pagsisikap at pagpupunyagi hindi lamang ng probinsya kundi sa tulong na rin ng lokal na pamahalaan ng Pigcawayan na pinamumunuan ni Mayor Juanito C. Agustin at Barangay Council.

Samantala, nagbigay naman ng pasasalamat si Barangay Maluao Chairman Pablo G. Bendol Jr. sa proyektong binigay sa kanyang nasasakupan na malaki ang maitutulong sa pagluluwas ng kanilang mga produktong pang agrikultura.

Ang naturang aktibidad ay sinaksihan din nina Provincial Advisory Council Member Rosalie H. Cabaya, Provincial Engineer Esperidion S.Taladro, mga opisyales at kawani ng naturang barangay at mga empleyado ng Provincial Engineering’s Office (PEO). //idcd-pgo-delacruz// PhotobySMNanini //