Amas, Kidapawan City- Malakas na hiyawan at tunog ng tambol ang umalingawngaw sa bayan ng President Roxas hudyat nang pormal na pagsisimula ng Summer Kids Peace Camp (SKPC) sa bayan nitong Biyernes, Hunyo 30, 2023.
Ang aktibidad ay nilahukan ng 1,200 grade 5 pupils mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ng bayan na kinabibilangan ng: President Roxas Central District, President Roxas North District at President Roxas South District.
Ang SKPC sa naturang bayan ay pinangasiwaan ng Provincial Cooperative and Development Office (PCDO) at IP Affairs na naglalayong
maipaliwanag sa mga kabataan ang kahalagahan at pagsusulong ng kapayapaan sa kani-kanilang mga komunidad.
Ang pormal na pagbubukas ng aktibidad ay pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza kung saan pinaaalahanan nito ang mga campers na makinig at wag sayangin ang oportunidad na ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaang panlalawigan.
Nagpasalamat naman si President Roxas Mayor Jonathan Mahimpit kay Governor Mendoza sa inisyatibong pangkapayapaan nito para sa kabataan.
Samantala, nagpasalamat naman si Schools Division Superintendent (SDS) Romelito G. Flores ng DepEd sa patuloy na suporta ng probinsya sa paghahatid ng mga programang makakatulong sa paghubog sa bawat batang Cotabateรฑo.
Dumalo naman sa naturang aktibidad ang Provincial Youth and Development Office (PYDO), katuwang ang pamahalaang lokal ng President Roxas, Department of Education, (DepEd), Philippines National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection(BFP) at Barangay Peace Keeping Action Team (BPAT), at iba pang stakeholders ng ating bayan ang nasabing aktibidad.//idcd-pgo-delacruz//PhotobyLAD&WMSamillano//