Amas, Kidapawan I Personal na tinanggap ng dalawang batang atleta ang kanilang insentibo mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pangunguna ni Provincial Administrator Aurora Garcia at Acting Provincial Treasurer Gail Untal ngayong araw, Hunyo 22, 2023.
Si Fritz Gabriel Dacara-Espero, walong taong gulang na nagmula sa lungsod ng Kidapawan ay binigyan ng 40,000 pesos matapos makasungkit ng anim na medalya sa Asian Open School International Swimming Competition sa Bangkok, Thailand noong March 3-5, 2023.
20,000 pesos naman ang ibinigay kay Arvin Jaydonn H. Santillana ng maging Bronze Medalist sa East Asian Karate Championship na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex, Manila nitong March 17-18, 2023.
Ang gantimpalang ito ay paraan ng pasasalamat ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa karangalang ibinigay ng dalawang kabataan sa lalawigan at suporta na rin sa kanilang pag-eensayo bilang paghahanda sa susunod pa nilang mga kompetisyon.
Labis ang pasasalamat ng dalawang kabataan sa ibinigay ni Governor Mendoza at sinigurong mas lalo pa nilang gagalingan upang maiangat ang pangalan ng Probinsya hindi lamang sa mga lokal na patimpalak kundi pati na rin sa ibang bansa.
Ang pagbigay ng nasabing insentibo ay sinaksihan nina Provincial Advisory Council (PAC) member Chuckie Pacifico, Coaches, mga magulang ng dalawang atleta at ilang kawani ng Public Affairs Assistance Tourism and Sports Development Division (PAATSDD).//Pgo-Sopresencia//