๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ | Mayo 8, ๐๐๐๐ -Nakiisa si Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza sa pagtatapos ng Intercolor Sportsfest 2023 ngayong araw sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City.
Kung matatandaan, ito ay pormal na sinimulan nitong Pebrero 17, 2023 kung saan tuwing araw ng Biyernes ay nagkakaroon ng iba’t ibang sports event gaya ng dart, basketball, badminton, volleyball na nilahukan ng mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan at iba pang ahensya na nasa loob ng provincial capitol grounds.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Governor Mendoza ang partisipasyon ng lahat upang maging matagumpay ang nasabing aktibidad.
Binigyang diin din nito na ang lakas at pundasyon ng probinsya ay nakasalalay sa mga kawani ng kapitolyo na siyang katuwang ng mga opisyal sa pagpapaabot ng serbisyo sa mga Cotabateรฑo.
Kabilang sa naging tampok na aktibidad sa kulminasyon ng sportsfest ay ang zumba at dancesport competition.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan din nina Matalam Vice Mayor Ralph Ryan Raphael, Provincial Administrator Aurora P. Garcia, Provincial Advisory Council Members Vicente C. Sorupia at Ramon N. Floresta, at department heads//idcd-pgo-mombay//PhotobySNanini,RSotto&LGonzales//