๐ˆ๐ง๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ญ๐ข๐›๐จ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฉ๐ข๐ ๐ข๐ฅ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐ฉ๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐ฅ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ฉ๐ฌ๐ข๐ฌ ๐ก๐ข๐ง๐š๐ง๐ ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐…๐€๐Ž-๐”๐

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ| ๐Œ๐š๐ฒ๐จ 4, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘- Pinuri ng Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO-UN) ang lalawigan ng Cotabato sa inisyatibo nito upang mapigilan ang rubber leaf fall disease o pestalotiopsis sa pagpasok sa lalawigan ng Cotabato.

Sa kanilang pagbisita, nitong Martes, Mayo 2 sa tanggapan ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza kasama ang mga eksperto mula sa bansang Sri Lanka kanilang tinalakay ang mga makabagong teknolohiya at mga paraan na maaaring gamitin upang mapuksa ang nasabing sakit.

Sa kanyang presentasyon, inisa-isa ni Office of the Provincial Agriculturist-Managing Consultant Eliseo Mangliwan kinatawan ni Governor Mendoza ang ilan sa mga hakbang na ginawa ng provincial government upang makontrol ang pagpasok ng nasabing sakit.

Ayon kay FAO-UN Forestry Expert Shiroma Sathyapal at Rubber Expert Sarojini Fernando,

humanga sila sa inisyatibo at pagiging proactive ng lalawigan ng Cotabato lalo na sa pagpapalakas nito sa information education campaign, surveillance and monitoring at pagbabawal sa pagpasok ng mga rubber planting materials mula sa mga lugar na apektado ng sakit.

Ayon sa kanila, sa lahat ng mga probinsya at lugar na kanilang binisita sa Mindanao bilang bahagi ng kanilang Technical Mission on Pestalotiopsis ang lalawigan ng Cotabato ang mayroong komprehensibong aksyon at plano kung paano mapipigilan ang mapaminsalang sakit sa rubber.

Nagpasalamat naman si Provincial Administrator Aurora P. Garcia sa FAO-UN sa pagbisita ng mga ito sa lalawigan at pagbabahagi nito ng mahahalagang kaalaman hinggil sa pestaloptiopsis.

Kasama din sa nasabing pagbisita si FAO-UN mula sa UPLB Jessa P. Ata, FAO-Mindanao Dante Eleuterio, Acting Provincial Agriculturist Remedios Hernandez at ilang personahe mula sa OPAg.//idcd-pgo-sotto/PhotobyHGBCatalan//