Social pension ipinamahagi sa bayan ng Pres. Roxas

Amas, Kidapawan City I May 2, 2023- Puspusan ang pamamahagi ng social pension sa mga kwalipikadong senior citizens sa buong lalawigan, kung saan sa nakalipas na siyam na araw, umabot na sa 17,177 na mga lolo at lola ang masayang tumanggap ng P3,000.00 bawat-isa.

Para sa bayan ng Pres. Roxas, kabuoang P11,100,000.00 naman ang inilaan ng pamahalaan para sa 3,700 benepisyaryo nito na simulan nang ipinamahagi ngayong araw ng Martes, May 2 at magtatapos sa May 4. Sakop ng naturang halaga ang anim na buwang tulong pinansyal mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan na naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 12 Regional Director Loreto V. Cabaya Jr. at pamunuan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza.

Ang nasabing aktibidad ay itinaguyod ng Provincial Social Welfare and Development (PSWD) Office at Provincial Treasurer’s Office (PTO) .//idcd-pgo-frigillana//Photoby: PSWDO//