Amas, Kidapawan City | May 4, 2023 – Isinagawa nitong araw ng Martes, Mayo 2 ang Provincial Kick Off ng Chikiting Ligtas Healthy Pilipinas sa dagdag bakuna kontra Polio, Rubella, at Tigdas bilang parte ng kampanya na masigurong protektado ang mga kabataan laban sa naturang mga sakit na maaring iwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Ang nasabing aktibidad na ginanap sa Balindog Barangay Hall ng lungsod ng Kidapawan ay opisyal na pagsisimula ng isang buwang Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) kung saan 150 na mga 9-59 months old children ng nasabing barangay ang tumanggap ng MR vaccine. Ito ay magkatuwang na itinaguyod ng pamahalaang panlalawigan sa liderato ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo-Mendoza, Department of Health, at lokal na pamahalaan ng Kidapawan.
Kaparehong aktibidad rin ang sabay na ginawa sa lahat ng mga barangay sa probinsiya at sa buong Pilipinas.//idcd-pgo-gonzales/Photoby HGCatalan//