Amas, Kidapawan City| Mayo 2, 2023- Isang masayang araw para sa mga opisyal, residente, lalo na sa mga magsasaka ng Brgy. Camansi, Alamada, Cotabato matapos opisyal na i-turnover nitong Sabado, Abril 29, 2023 ang isang multi-purpose drying pavement na pinondohan ng higit sa P500K ng pamahalaang panlalawigan.
Ang turnover ay pinangunahan ni Governor Emmylou “Lala” TaliΓ±o Mendoza, na nagpaalala sa mga magsasakang dumalo sa simpleng programa na makipagtulungan sa probinsya at kanilang munisipyo sa pagpapaigting ng surveillance at monitoring sa sakit na leaf fall disease o pestaloptiopsis na isang malaking banta sa industriya ng rubber.
Isa namang taos pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Alamada P4MP Federation of Farmers Asociation President Filomena Evangelista sa pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” TaliΓ±o Mendoza sa suportang ipinaabot nito sa mga magsasaka ng Brgy. Camansig at sa buong Alamada.
Ayon sa kanya, ang nasabing pasilidad ay makakatulong lalo na sa pagbibilad ng kanilang produktong pang-agrikultura gaya ng mais, palay at iba pa.
Kasama ni Gov. Mendoza sa pag-turnover ng nasabing proyekto sina Former Boardmember Rosalie H. Cabaya, Provincial Engineer Esperidion Taladro, Engr. Angelito Denolan, OPAg Representative Elena Ragonton at mga barangay officials.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//