๐Ÿ๐Ÿ‘ ๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ค๐จ๐ฉ ๐ง๐  ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐š๐ง๐š๐จ ๐€๐ข๐ซ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ซ๐ง-๐จ๐ฏ๐ž๐ซ ๐ง๐š

Amas, Kidapawan|November 11, 2022 โ€“ Opisyal nang tinurn-over ang dalawampuโ€™t tatlong (23) mga titulo ng lupain na ginamit para sa Central Mindanao Airport Project sa bayan ng Mlang nito lamang Miyerkules November 8 kasama ang ibaโ€™t ibang mga ahensiya na gobyerno.

Naging kinatawan ni Governor Emmylou โ€œLalaโ€ J. Taliรฑo-Mendoza si Provincial Administrator Aurora P. Garcia na siyang nag-abot ng mga titulo kasama si Provincial Legal Officer John Haye Deluvio sa mga representante ng Department of Transportation (DOTr) na sina Engineer Edward Reyes, Area Manager at Engineer Ruel Abad, Project-in-Charge.

Sinaksihan ito ng mga partner agencies at stakeholders ng proyekto tulad ng Civil Aviation Authority of the Philippines, Mindanao Development Authority (MinDA), National Economic Development Authority (NEDA), SOCCSKSARGEN Area Development Program Office (ADPO), at Registry of Deeds (ROD). Bago pa nito, una nang nagsagawa ng pisikal na pagsusuri sa mismong project site ang nabanggit na grupo at nagbigay ng kanilang mga rekomendasyon hinggil dito.

Ayon kay Angelito G. Sanque ng CMA Technical Working Group, labin-apat (14) sa nasabing mga titulo ay para sa 88,960sqm na bahagi ng proposed expansion ng paliparan na pinondohan ng DOTr habang siyam (9) dito ay para sa 106,384sqm na bahagi naman ng orihinal na lupaing nabili ng pamahalaang panlalawigan para sa CMA.

Inaasahan na sa pagsisikap ng kasalukuyang administrasyon na pinamumunuan ni Governor Mendoza at sa tulong ng mga ahensiya ng pamahalaan, mapapabilis ang pagproseso ng kaukulang mga dokumento at pagsasagawa ng susunod pang mga hakbang upang makumpleto ang proyekto at masimulan na ang operasyon nito.

Matatandaang nakipagpulong si Gov. Mendoza, Congresswoman Ma. Alana Samanta T. Santos kasama ang mga kinatawan ng CAAP at SOCCSKSARGEN ADPO kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista upang mabigyan ng komprehensibong updates ang kalihim lalung-lalo na sa kasalukuyang estado ng mga lupang sakop ng paliparan at ang pagsasaayos ng titulo ng mga ito pati na rin ang mga kakailanganing karagdagang pondo para maisakatuparan ang kabuoang konstruksiyon ng paliparan ayon sa aprobadong program of works nito.

Samantala, dumalo rin sa turnover ng land titles sina Board Member Ivy Dalumpines-Ballitoc at Liga ng mga Barangay Provincial Federation President Phipps Bilbao, at representante mula sa Provincial Engineerโ€™s Office at Municipal Engineerโ€™s Office ng Mlang.//idcd-pgo//