๐’๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ซ ๐Š๐ข๐๐ฌ ๐๐ž๐š๐œ๐ž ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ ๐š๐ญ ๐‚๐š๐ฉ๐š๐œ๐ข๐ญ๐ฒ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐•๐จ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ญ๐ž๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐๐ž๐ซ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ข๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐ ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐›๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฒ๐จ

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ| ๐€๐›๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘- Dalawang mahahalagang programang pangkapayapaan at kahandaan ang ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ngayong buwan ng Mayo.

Ang nasabing programa ay ang Summer Kids Peace Camp kung saan abot sa 28, 576 incoming Grade VI pupils mula sa ibaโ€™t ibang pampublikong paaralan sa lalawigan ang sasailalim sa tatlong araw na pagsasanay na pangungunahan ng Provincial Governorโ€™s Office- Youth Division, Department of Education, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang stakeholders.

Aarangkada din ang programang pangkahandaan ng lalawigan, kung saan magsasagawa din ng 15-day Capacity Development for Volunteer Responder ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang AFP, BFP at Cotabato Emergency Response Team na lalahukan naman ng mga ordinaryong mamamayan mula sa ibaโ€™t ibang barangay ng lalawigan na nais maging boluntaryong responders.

Sa kanyang naging pahayag sa isinigawang Provincial Peace and Order Council Executive Meeting kahapon, Abril 25, 2023, na ginanap sa Integrated Provincial Health Office Conference Hall, pinasalamatan ni Cotabato Governor Emmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo Mendoza ang ibaโ€™t ibang ahensya na naging katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapatupad ng mga programa.

Ayon sa kanya, hindi magiging matagumpay ang programa ng probinsya kung hindi dahil sa tulong ng local government units (LGUs), ahensya at indibidwal na nagtitiwala sa adbokasiyang serbisyong totooโ€ na isinusulong ng kanyang pamunuan.//idcd-pgo-sotto/Photoby Sopresencia//