๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐๐ซ๐ข๐ฅ ๐๐, ๐๐๐๐- Naglaan ng pondong abot sa P4.2M ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato bilang suporta sa mga delegado ng probinsya para sa limang araw na SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) Meet.
Ayon kay Provincial Sports Coordinator Russel Villorente, ang nasabing pondo ay nagmula sa Special Education Fund ng probinsya na inilaan para sa insurance, pagkain, toiletries, gamot at transportasyon ng mga atletang kalahok.
Dagdag pa niya, na kabilang din sa pinagkagastusan ng nasabing pondo ay ang uniporme ng mga atleta, coaches at opisyal na kasali sa limang araw na aktibidad.
Nagpasalamat naman si Department of Education Cotabato Schools Division Superintendent Romelito G. Flores at Dep.Ed Cotabato Province-Sports Coordinator Lito Fernandez sa suportang ipinaabot ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza sa mga atletang Cotabateรฑo na makikipagtagisan ng galing sa larangan ng sports sa gaganaping SRAA Meet na pormal na magbubukas ngayong araw sa Kidapawan City.
Nagpaabot naman ng kanyang mensahe ang ina ng lalawigan sa mga atletang Cotabateรฑo
kasama ang dalanging maayos nitong maitawid at mapagtagumpayan ang iba’t ibang sports competition na kanilang sasalihan. Nagpaalala din ito sa kahalagahan ng pagkakaibigan, pagkakaisa at sportsmanship na siyang tunay na diwa ng kompestisyon.//idcd-pgo-sotto/Photoby PAATSDD//