๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐š ๐ฌ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฌ ๐œ๐ฅ๐ข๐ง๐ข๐œ ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ข๐ ๐œ๐š๐ฐ๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ค๐ฌ๐ข๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐Œ๐ž๐ง๐๐จ๐ณ๐š

Amas, Kidapawan City| Abril 17, 2023- Sinaksihan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ang pagtatapos ng dalawang araw na sports clinic sa bayan ng Pigcawayan na sinimulan nitong Abril 15, 2023.

Masaya ang gobernadora sa kanyang nasaksihan dahil abot sa 503 na mga kabataan mula sa bayan ang lumahok, natuto at nag enjoy sa nasabing aktibidad.

Nagpasalamat din ang gobernadora sa mga lokal na opisyal at indibidwal sa suporta nito sa kanyang programang sports for all na naglalayong mailayo sa anumang masasamang bisyo ang mga kabataan at makadiskubre ng bagong talento sa larangan ng larong basketball at volleyball na isa sa pinakakilalang sports sa buong mundo.

Ang pagtatapos ng dalawang araw na sports clinic sa bayan ng Pigcawayan ay ginanap sa Municipal Gymnasium ng bayan nitong Linggo Abril 16, 2023 na dinaluhan din nina Pigcawayan Mayor Juanito Agustin at Vice Mayor Jake Casi. //idcd-pgo-sotto/Photoby SMNanini//