Amas, Kidapawan City I April 17, 2023 โ Isang espesyal na araw para sa mga residente ng Brgy. Malatab, Antipas ang pagbisita ng mga kinatawan mula sa mga nasyunal na ahensiya, mga departamento ng lokal na pamahalaang panlalawigan at ng Antipas upang magbigay ng iba’t ibang serbisyo dito.
Kanya-kanyang bitbit ng tig-sampung kilo ng bigas, meryenda, packed meals at fruit tree seedlings ang mga residente na nakatanggap din ng iba pang mga serbisyong handog ng caravan tulad ng libreng gupit, at manicure at pedicure sa mga nanay. Ang barangay ay may 1,000 pamilya o 3,000 indibidwal na nakinabang sa programa.
Ayon kay Kapitana Arlene Subilllaga, halos wala itong mapagsidlan ng tuwa at pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng nasabing aktibidad lalo na kay Gov. Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza at 2nd District Congressman Rudy S. Caoagdan na laging handang tumulong sa mga pangangailangan ng kanilang barangay.
Tiniyak naman ni Congressman Caoagdan na patuloy ang pagsisikap nito kasama si Gov. Mendoza upang mabigyan ng maayos na edukasyon at kinabukasan ang mga kabataan, matulungan ang pamilyang Cotabateรฑo sa kanilang pangangailangan, at maging ang pagtiyak ng ligtas at mapayapang komunidad para sa lahat.
Ang Serbisyog Totoo Caravan sa Malatab, Antipas ay pinangasiwaan ng Office of the Provincial Planning and Develooment Coordinator.//idcd-pgo-gonzales/Photoby LAdelacruz/