๐๐บ๐ฎ๐, ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐ | ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต ๐ฎ๐ต, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ – Matapos ang ginawang paglilibot at masusing inspeksyon sa 261 households ng mga provincial verification team nitong Martes, ika-28 ng Marso, pormal nang idineklara ang Barangay Nabundasan bilang ika-6 na barangay sa Tulunan ang binigyan ng Zero Open Defecation (ZOD) status bilang bahagi ng programa ng pamahalaan na wakasan ang open defecation practices sa mga komunidad.
Sa pangunguna ni Supervising Sanitary Inspector Emelinda S. Diesto ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) kasama si Provincial Sanitation Inspector I Jee Butaslac at mga SI na bahagi ng Technical Working Group (TWG) ng Rural Health Unit (RHU) ng Tulunan, nilibot ng groupo ang barangay upang masigurong may mga palikurang magagamit ang mga residente dito at pumasa ayon sa standard ng Department of Health (DOH).
Laking pasasalamat ni Brgy. Nabundasan Kapitan Ramonito F. Noble sa suporta ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza sa pamamagitan ng IPHO sa technical assistance at katuwang ng barangay at RHU na tumutok sa nasabing programa upang makamit ang nasabing estado.
Nagbigay din ang lokal na pamahalaan ng Tulunan ng tig-P50,000.00 pinansyal na tulong para sa mga barangay na sumasailalim sa nasabing programa
Samantala, nagpahayag naman ng paghanga si Diesto sa mga opisyales ng barangay sa kanilang pagsisikap at dedikasyon sa pagpapatupad ng ZOD program sa kanilang komunidad.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga opisyales ng nabanggit na bayan at mga representate mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ng Tulunan.//๐ช๐ฅ๐ค๐ฅ-๐ฑ๐จ๐ฐ-๐ค๐ข๐ต๐ข๐ญ๐ข๐ฏ//