Amas, Kidapawan City| Enero 19, 2023- Handa ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato na makipagtulungan upang masugpo ang ipinagbabawal na droga sa lalawigan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng information dissemination.
Ito ang inihayag ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza sa isinagawang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program Rollout na inilunsad nitong Miyerkules. Enero 19, 2023 ng Department of the Interior and Local Government at Cotabato Police Provincial Office (CPPO) sa CPPO Parade Ground, Amas, Kidapawan City.
Ayon sa gobernadora, “The provincial government of Cotabato is committed to help our law enforcers in reaching out and informing our young people about the health risks and bad effects of drugs.”
Ang BIDA ay programa ng pamahalaang nasyunal na naglalayong paigtingin ang kampanya ng mga kapulisan, mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya laban sa paglaganap ng ilegal na droga sa mga komunidad.
Kabilang sa mga programang ipapatupad ay ang pagsasagawa ng mga anti-illegal drug symposium sa mga kabataan, dialogue sa mga barangay at iba pang aktibidad na nagsusulong ng nasabing adbokasiya batay na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Magiging katuwang ng DILG at CPPO sa implementasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Provincial Office, religious sectors at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.
Kasabay din nito ang Awarding of Certificates ng mga bagong deklaradong “drug-cleared barangay” at signing of Pledge of Commitment para sa naturang programa.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan din nina DILG Provincial Director Ali B. Abdullah, PDEA Provincial Director Niel Joyce Liansing, PLTCOL Britz E Sales, OIC- Deputy Provincial Director for Administration, religious leaders, youth leaders, mga Person Who Used Drugs (PWUD) Surrenderees, at iba pang kawani ng CPPO.//pgo-idcd//