MUTYA NG COTABATO 2022 PRESENTATION 

The long wait is finally over ika nga, dahil sa wakas pormal nang ipinakilala sa publiko nitong araw ng linggo Agosto 8, 2022 kasabay ng pagdiriwang ng ika-61 na Founding Anniversary at 7th Katambolit Festival ng bayan ng Libungan ang labinlimang (15) magagandang dilag na kalahok sa Mutya ng Cotabato 2022.

Ang presentasyon ay ginanap sa Libungan Municipal Gymnasium, Libungan Cotabato na sinaksihan ni Cotabato Governor Emmylou Taliño- Mendoza, LGU officials and employees at mga residente ng nasabing bayan.

Ang mga iprinisentang magagandang binibini ay siyang opisyal na kakatawan sa kani-kanilang mga bayan at ilang establisyemento ng lalawigan ay sina:

Cathleen Angelie Abler – LGU KIDAPAWAN

Jeremae Villa – LGU ALAMADA

Erica Jane Calibara – LGU MIDSAYAP

Regine Dimaano – LGU PIKIT

Kezaiah Auditor – LGU KABACAN

Kathleen Bardenas – LGU ARAKAN

Stephanie Mae Tabieros – LGU TULUNAN

Sheendy Patricia Olivares- LGU MLANG

Aprille Rose Capilastique – JARGON CONSTRUCTION AND SUPPLIES

Dianne Pampura – LGU MAKILALA

Nikki Lou Sidayon – LGU MAGPET

Mary Arian Pila – ONE SAYAP GROUP

Jessa Pearl Lopez- WISON DRUGSTORE

Kathlene Trinidad-LGU PIGCAWAYAN

Aia Lou Apostol- LGU LIBUNGAN

Ang Talent Night ng Mutya ng Cotabato ay gaganapin sa Agosto 24 sa Libungan Municipal Gymnasium at ang pageant proper naman ay sa Agosto 28 na gaganapin sa Midsayap Municipal Gymnasium, Midsayap Cotabato.

Ang Mutya ng Cotabato 2022 ay isa sa mga highlights ng pagdiriwang ng ika- 108th Founding Anniversary o Kalivungan Festival ng lalawigan ng Cotabato.//idcd//