I๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ผ๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ | January 19, 2023 โ€“ Bumisita nitong araw ng Lunes, Enero 16, 2023 si Iloilo 1st District Representative Janette Lorete-Garin sa lalawigan kung saan kasabay ng kanyang pagbisita sa kapitolyo ay ang isinagawang inspection ng bagong naipatayo na gusali sa loob ng Cotabato Provincial Hospital compound.

Mainit naman ang pagsalubong ni Governor Emmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo-Mendoza sa pagbisita ng nasabing kongresista na dati ring naging Department of Health (DOH) Secretary noong 2015-2016.

Samantala, ang nabanggit na inspection naman ay isinagawa upang masiguro na pulido ang pagkakagawa ng nasabing gusali na nagkakahalaga ng 90M kung saan 40M sa nasabing pondo ay mula sa Department of Public Works and Highways at 50M naman ang mula sa DOH.

Dumalo naman sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang department heads at chief of hospitals para paunlakan ang pagbisita ni Cong. Garin.//idcd-pgo//