๐Š๐š๐ฎ๐ง๐š-๐ฎ๐ง๐š๐ก๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐จ ๐œ๐š๐ซ๐š๐ฏ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ญ๐š๐จ๐ง๐  ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘ ๐ฎ๐ฆ๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐๐š ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐Œ๐š๐ซ๐›๐ž๐ฅ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ| ๐Œ๐š๐ซ๐ฌ๐จ ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘- Bitbit ang iba’t ibang serbisyo, muli na namang umarangkada sa pamamahagi ng iba’t ibang tulong ang mga ahensya ng pamahalaan sa isinagawang serbisyong totoo caravan ng Provincial Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ngayong araw sa Brgy. Marbel Kidapawan City.

Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Kidapawan at national line agencies, dinumog ng mga residente ng nasabing barangay ang aktibidad kung saan kabilang sa mga serbisyong ibinigay ay ang libreng check-up, bunot ng ngipin, tuli, manicure, pedicure, gupit at hair color sa mga sr. citizens.

Namahagi din ng buntis kits, food packs, vegetable seeds and fruit trees, disaster IEC Materials, at maraming iba pa.

Sa kanyang mensahe bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza, ipinaabot ni 2nd District Board Member Ryl John Caoagdan na bahagi ng adbokasiya ng probinsya ang paglalapit ng serbisyong kinakailangan ng mga mamamayan ng lalawigan.

“Ang probinsya nagapaningkamot nga ipaduol kaninyo ang serbisyo, kay kini ang adbokasiya ni Governor Lala ang paghatag ug serbisyong tinud-anay sa katawhan nga nanginahanglan,” wika ni BM Caoagdan.

Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ni Marbel Barangay Chairman Jeffray S. Balaoro sa PTF-ELCAC sa isang pambihirang aktibidad na ginanap sa kanyang barangay kung saan naramdaman nito ang paglapit ng serbisyo ng pamahalaan sa tao.

Nakiisa rin sa aktibidad sina DILG Provincial Director Ali B. Abdullah, 3rd District Board Member Joemar Cerebo, Kidapawan City Councilor Judith Navarra, department heads ng provincial government, representante mula sa Kidapawan City LGU at national line agencies at mga opisyal ng barangay.//idcd-pgo-sotto/delacruz//