๐Ÿญ๐Ÿฌ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜๐—น๐—ฒ๐˜๐˜€ ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฃ๐—”๐—ด

Amas, Kidapawan City| Oktubre 10, 2022- Pasasalamat ang ipinaabot ng abot sa 70 katutubong benepisyaryo mula sa lungsod ng Kidapawan at bayan ng Magpet Cotabato matapos nilang tanggapin mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang 10,000 banana lacatan plantlets.

Ang pamamahagi ay ginanap nitong nakaraang Huwebes, Oktubre 6, 2022 sa Brgy. Sudapin, Kidapawan City at Municipal Tribal Affairs Office ng Magpet, Cotabato na pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist kasama ang Indigenous Peoples (IP) Affairs ng opisina ng gobernador.

Ang 10,000 libong banana plantlets na nagkakahalaga ng P300,000 na ipinamigay ng probinsya ay maaaring itanim sa sampung ektaryang sakahan ng mga katutubo.

Ayon kay Datu Nerio Aguirre, isang tribal leader mula sa bayan ng Magpet malaki ang maitutulong ng nasabing proyekto ng lalawigan upang matugunan ang pangangailangan ng tribu na pagsasaka ang pangunahing pinagkukunan ng pagkakakitaan.

Sa kanyang mensahe bininigyang diin ni IP Mandatory Representative Timuey Arsenio M. Ampalid bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza na ang probinsya ay handang umalalay at magbigay suporta sa pangangailangan ng mga tribu sa lalawigan.

Naging benepisyaryo ng naturang mga pananim ang mga residente ng Brgy. Sudapin, Kidapawan at Brgy. Ilian, Manobo, Tagbac, Imamaling at Amabel, Magpet. //idcd//Photo Credit: PGO- IP Affairs//