PEO patuloy sa pagsasagawa ng road rehabilitation at maintenance sa iba’t ibang provincial at barangay road ng lalawigan

Amas, Kidapawan City (September 5, 2022)- Sa layuning mabigyan ng maayos na daan ang bawat Cotabateño lalo na ang nasa mga malalayong barangay ng probinsya, patuloy ngayon ang pagsasagawa ng Provincial Engineer’s Office (PEO) ng road rehabilitation at maintenance sa iba’t ibang provincial at barangay road ng lalawigan.

Batay sa bagong isinumiteng report ng PEO, tatlong (3) provincial roads at limang (5) barangay roads na nagkakahalaga ng P5.39M ang tapos ng ayusin at imentina ng tanggapan nito lamang buwan ng Agosto.

Para sa provincial roads ito ay kinabibilangan Lambayao-Kibia Road (3 kilometro), Kilada-Taculen Road (3.7kilometro) , nagsagawa rin ang opisina ng clearing and grubbing sa Pigcawayan-Patot Road na may habang 15.9 kilometro.

Naisaayos at namentina rin ang Brgy. Roads ng Tuburan, Tulunan (3 kilometro), Bagumba Midsayap (5 kilometro), Sarayan, Matalam-Salat, Antipas (8 kilometro), Cawilihan, Aleosan (8 kilometro) at Payong-payong, Pigcawayan (4.5 kilometro).

Ang pagsasaayos ng mga daan sa lalawigan ay isa sa mga prayoridad na programa ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa ilalim ng kanyang 12-point agenda na infrastructure and barangay development.

Nais rin ng ina ng lalawigan na matulungan ang mga magsasaka na mapabilis ang pagluwas ng kanilang produktong agrikultura mula sa mga barangay patungo sa pamilihang bayan.//idcd//