Alamada, Cotabato July 27, 2022- Nagsagawa ng relief operation ngayong araw ang pamahalaang panlalawigan para sa mga apektadong residente sa bayan ng Alamada matapos ang walang tigil na pag-ulan noong Hulyo 15, 2022 na naging sanhi ng pagbaha sa lugar.
Isa sa mga biktima ay ang pamilya ni Jerry Demonteberde ng Bao, Alamada
na labis naman ang pasasalamat kay Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza dahil sa agarang pagtugon nito sa kanilang kasalukuyang sitwasyon. Tumanggap si Demonteberde mula sa pamahalaang panlalawigan ng 10pcs G.I sheets, 6pcs plywood, sleeping kit, kitchenware set at one pack of assorted nails. Tumanggap rin si Margarita Andaluna ng Brgy. Malitubog ng kaparehong tulong maliban sa sleeping kit at kitchenware set.
Batay sa damage assessment report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM), si Demonteberde at Andaluna ay may partially damaged houses.
Binigyan rin ng tig-sampung kilo ng bigas at food pack bawat isa ang abot sa 158 na apektadong pamilya at 53 na mga magsasaka mula sa barangay Bao, Malitubog, Camansi, Brgy. Paruayan, Barangiran at Guiling ng nasabing bayan.
Ang nasabing relief operation ay pinangunahan ni Former Board Member Rose Cabaya bilang representante ni Governor Mendoza kasama ang kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).//idcd//