Mensahe ng “pag-asa” at “pasasalamat” binigyang diin sa pagtatapos ng 107th anniversary ng Cotabato

Amas,Kidapawan City (September 1, 2021) – Isang payak ngunit makabuluhan ang naging pagdiriwang ng culmination activity ng ika-107th Foundation Anniversary ng Probinsya ng Cotabato o Kalivungan Festival 2021.

Sentro ng isinagawang Ecumenical Service ang mensaheng pagpapasalamat maging sa pinakasimpleng biyayang ating natatanggap

sa kabila ng nararanasang pandemiya at ang mensahe ng pag asa na malampasan ang pagsubok na dumarating.

Pag-asa

“My constant faith on the positive side of every unfolding event is anchored on my belief that in every trial and problem that comes our way, opportunity awaits to be discovered,” saad ni Governor Nancy A. Catamco sa kanyang mensahe.

Ayon sa kanya, bagama’t inilalarawan ang nakalipas na mga taon ng kanyang panunungkulan sa “pamamagitan ng kalamidad, pagsubok sa politika at hamon dala ng pandemiya” masasabing ito ay “the worst of times” ngunit mas nais nitong tingnan ang mga positibong bahagi nito kung saan masasabing “it was the best of times” sapagkat marami pa rin ang “pagpapalang nangyari sa atin bilang North Cotabateños sa kabila ng mga pagsubok.”

Isa sa mga magagandang bagay na binanggit ng ina ng lalawigan ay dahil nabigyan tayo ng “pagkakataon na maibahagi ang ating pinakamahusay na katangian bilang tao ang ating pagkamahabagin at matulungin sa kapwa.”

“We will overcome all these as one people in the province. The best is yet to come,” pagbibigay pag-asa ng ina ng lalawigan.

Pagpapasalamat

“Because of Lord’s great love we are not consumed, for his love never fails. Sa hirap ng buhay ngayon we have so many reasons to thank the Lord. Start counting your blessings by finding joy in simple things,” pahayag naman ni Southern Baptist Director for Student Affairs Rev. Zenrad Khan V. Gepte na naging guest speaker sa nasabing aktibidad.

Hinikayat din ni Rev. Getpe ang mga opisyal, kawani, at mamamayan ng probinsya na maging channel of blessing sa mga taong labis na naaapektuhan ng krisis na dulot ng Covid-19 pandemic.

Naging highlight rin sa nasabing aktibidad ang prayer for protection and healthy environment ni Ustadz Abdulgani Tomalao; prayer for the pandemic ni Datu Camilo B. Icdang; at prayer for the leaders ni Rev. Noel Guzman.

Ang nasabing ecumenical service ay dinaluhan rin Board Members Philbert Malaluan at Onofre Respicio, municipal officials, PNP and BFP officials at department heads ng provincial government of Cotabato.//idcd-pgo//