Amas, Kidapawan, City (Marso 6, 2021) – Dumating na ngayong araw ang unang batch ng COVID-19 vaccine sa Lalawigan ng Cotabato.
Ang nasabing vaccines ay dala ng Department of Health (DOH) Regional Office XII sa pangunguna ni Regional Immunization Program Manager Edvir Jane Montañer.
Ang mga ito ay abot sa 441 vials ng Sinovac vaccine na ipamamahagi sa mga COVID-19 referral hospitals sa lalawigan.
Kabilang sa mga referral hospitals na makakatanggap ng nabanggit na bakuna ay ang Pesante Hospital sa bayan ng Midsayap, Mindanao Doctors Hospital and Cancer Facility sa bayan ng Kabacan, Kidapawan City Hospital, at M’lang District Hospital sa bayan ng M’lang.
Masaya namang tinanggap ni Governor Nancy A. Catamco kasama si Integrated Provincial Health Officer Eva C. Rabaya at Board Member and Provincial IATF Head Philbert G. Malaluan ang mga nasabing bakuna.
Nangako si Governor Catamco na mas palalakasin pa ng lalawigan ang information drive sa mga munisipyo at barangay sa lalawigan upang maibsan ang agam-agam at takot ng tao tungkol sa bakuna.
“Mas paiigtingin natin ang ating information drive patungkol sa kahalagahan ng bakuna sa ating komunidad. Kailangan po nating magpabakuna para na rin sa proteksyon ng ating mga pamilya, at para manumbalik na rin ang ating normal na pamumuhay,” wika ng gobernadora.
Sa Lunes ay ihahatid ng IPHO sa apat na mga refferal hospitals ang mga bakuna at sa darating na Lunes ay magkakaroon ng simultaneous vaccination sa mga frontliners ng nasabing referral hospitals.//pgo-idcd//