225 TESDA-STEP beneficiaries ng lalawigan, pormal nang nagsipagtapos

Amas, Kidapawan City | Pebrero 27, 2025 – Patuloy pa rin ang pagsisikap ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na makipag-ugnayan sa pamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang makakuha ng mga programa at tulong na mapapakinabangan ng mamamayan anuman ang kasarian, edad, tribu o estado ng pamumuhay. 

Isa sa mga patunay nito ang pagtatapos ng 225 Cotabateñong benepisyaryo ng Special Training for Employment Program (STEP) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ngayong araw na sumailalim sa iba’t ibang “skills training programs” ng ahensya at nabigyan ng pagkakataon na madagdagan ang kaalaman at mapaunlad ang kapasidad. 

Ito ay naisakatuparan dahil sa pakikipagtulungan ng  opisina ni Trade Union Congress Party (TUCP) Representative Raymond Democrito C. Mendoza na siya ring naging kaagapay upang makamit ng mga benepisyaryo ang nasabing sertipikasyon na nagbubukas sa kanila ng oportunidad na makapagtrabaho.

Personal namang binisita at binati nina Gov. Mendoza at 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos ang mga nagsipagtapos at hinikayat ang mga ito na magtulungan upang maibahagi rin sa iba ang mga programang itinataguyod ng gobyerno.   

Samantala, ipinagmalaki naman ni TESDA Cotabato Provincial Director Relly A. Leysa ang naging tagumpay ng lalawigan matapos nitong manguna sa may pinakamaraming bilang ng “graduates” sa buong rehiyon na isang indikasyon ng maayos at epektibong implementasyon ng TVET programs. Ipinaabot din nito ang hangarin ng tanggapan nina TESDA Secretary Jose Francisco “Kiko” Benitez at Regional Director Jerry G. Tizon na “𝘼𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙮𝙪𝙝𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙩𝙪𝙣-𝙖𝙣, 𝙙𝙞𝙡𝙞 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙢𝙖𝙝𝙪𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙛𝙩𝙚𝙧 𝙢𝙖𝙙𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙞𝙣𝙮𝙪𝙝𝙖𝙣𝙜 𝙘𝙚𝙧𝙩𝙞𝙛𝙞𝙘𝙖𝙩𝙚 𝙗𝙪𝙩 𝙝𝙖𝙣𝙩𝙤𝙙 𝙢𝙖𝙜𝙖𝙢𝙞𝙩 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤 𝙪𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙩𝙧𝙖𝙗𝙖𝙝𝙤 𝙢𝙤.”

Ang aktibidad ay ginanap sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City na pinangasiwaan ni Provincial Governor’s Office (PGO) staff Leonardo M. Rendon kasama ang mga kinatawan ng TESDA partner schools sa lalawigan.//idcd-pgo-mombay/PhotobyCSMombay&WMSamillano//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *