Kauna-unahang PPOC Meeting para sa taong 2025, tinalakay ang mga preparasyon para sa papalapit na halalan

Amas, Kidapawan City| Enero 7, 2025 – Puspusan na ang paghahanda ng law enforcers para sa papalapit na halalan na gaganapin sa darating na Mayo 12, 2025.

Sa ginanap na kauna-unahang Provincial Peace and Order Council (PPOC) Meeting ngayong Martes ng umaga na pinangunahan ni PPOC Chair  Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA, iprinisenta ni Cotabato Provincial Police Director PCol Gilberto B. Tuzon, na sa darating na Enero 12 ay ipapatupad na ang election gun ban na magtatagal hanggang Hunyo 11, taong kasalukuyan, upang matiyak ang mapayapa at ligtas na eleksyon.

Nabanggit din nito na nagkaroon na ng inisyal na mga pagpupulong para sa pagtatatag ng Provincial Joint Security Control Center (PJSCC) na makakatulong para sa matagumpay na pagtataguyod ng mga aktibidad kaugnay sa halalan 2025.

Kasabay nito, nagbigay din ng update si Commission on Election (COMELEC) Provincial Election Supervisor Atty. Myla A. Luna hinggil sa mga polisiya at guidelines na dapat sundin ng mga lokal na pamahalaan.

Tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines na patuloy ang kanilang koordinasyon sa PNP para mas lalo pang mapahigpit ang paglalatag ng peace and security initiatives.

Sa naturang PPOC meeting, nagbigay din ng kanilang reports ang iba pang miyembro ng konseho na kinabibilangan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at maging ang focal persons ng Executive Order No. 70 at Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

Samantala,  kinilala naman ni BGen. Patricio Ruben P. Amata ang suporta ni Gov. Mendoza sa programa ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict na siyang naging daan para maging NPA free na ang probinsya.

Dumalo rin sa pagpupulong si Department of the Interior and Local Government (DILG) OIC Provincial Director Inecita Kionisala pati na ang mga local chief executives, ilang matataas na opisyal ng AFP, at iba pang stakeholders.//idcd-pgo-sotto/photobyWMSamillano //

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *