Halos P35M halaga ng proyekto, ipinagkaloob ng kapitolyo sa limang barangay sa Carmen

Sa pagsisimula ng taong 2025, buhos na biyaya ang natanggap ng bayan ng Carmen matapos ito maging benepisyaryo ng proyektong pang-imprastraktura mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.

Limang mga barangay nito ang nabigyan ng proyekto na itinurnover ngayong araw, ika-6 ng Enero 2025, ng kapitolyo na kinabibilangan ng Brgy. Ugalingan– P9,975,003.14 road concreting; General Luna P4,990,277.21 Multi-purpose building (MPB); Tonganon– P9,981,238.65 road concreting; Aroman– P4,990,675.78 MPB; at Tambad– P4,990,670.96 multi-purpose building.

Naging kinatawan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA sa aktibidad sina boardmembers Ivy Dalumpines-Ballitoc, Joemar Cerebo at Jonathan Tabara na nagpaabot ng mainit na pagbati sa mga residente at opisyales ng mga nabanggit na barangay dahil sa panibago na namang proyektong natanggap nito mula sa “Serbisyong Totoo.”

Hindi rin maikubli ng barangay officials ang kanilang kagalakan dahil binigyang katuparan ni Gov. Mendoza ang pangako nito sa kani-kanilang nasasakupan na malaki ang maitutulong upang mapabilis ang pagluluwas ng kanilang mga produkto at mas lalo pang mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa taumbayan.

Naging kabahagi rin sa ginanap na turnover sina Vice Mayor Ryan Taliño kasama ang ilang Sangguniang Bayan members ng munisipyo, Aroman Barangay Chairman Cecilio Apostol, Tonganon Barangay Chairman Reynaldo Camique, Ugalingan Barangay Chairman Salipada Bandera, Tambad Barangay Chairman Michael Tenefrancia, at Gen Luna Barangay Chairman Gil Dondonayos. //idcd-pgo-sotto/photobyCSMombay&WMSamillano//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *