“๐๐ฎ๐ธ๐ผ ๐ด๐๐๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐บ๐ผ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ผ๐. ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด-๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐ต๐ถ๐น๐ฎ๐ฏ๐ถ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ถ๐ถ๐ป๐ถ ๐ผ๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ผ-๐ฎ๐ป. ๐๐ฎ๐ป๐ถ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฑ๐ถ๐น๐ถ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฝ๐ถ๐๐๐๐ต๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ธ๐๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ธ๐ฏ๐ถ๐ ๐ป๐ถ๐ถ๐ป๐ถ ๐ป๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐บ๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐น ๐๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ฐ.”
Ito ang mensahe ng pasasalamat na ipinaabot ni Pangao-an Brgy. Chairman Arnofer Taping kasabay ng isinagawang turnover ngayong araw na pinangunahan mismo ni Cotabato Gov. LALA TALIรO-MENDOZA sa Barangay Pangao-an at Kisandal bayan ng Magpet, Cotabato.
Ang proyektong ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa Brgy. Pangao-an ay ang P4,995,979.85 na proyektong kalsada na mayroong habang 462 metro. Samantalang, kaparehong proyekto din ang ibinigay sa Barangay Kisandal na may haba namang 275 metro at pinondohan ng P4,994,865.62.
Muli namang ipinaalala ni Gov. Mendoza sa kanyang naging mensahe, ang mahalagang papel na ginagampanan ng mamamayan sa barangay sa pagsiguro na maayos na naipapatupad ang proyekto sa mga komunidad.
Labis na pasasalamat din ang ipinaabot ni Magpet Municipal Mayor Jay Laurence Gonzaga kasama si Vice Mayor Florenito Gonzaga sa buhos biyayang proyekto na hatid ng “Serbisyong Totoo” sa bayan.
Kasama rin sa nabanggit na turnover si Kisandal Brgy. Chairman Jaime Madio at mga miyembro ng konseho nito, opisyales ng Brgy. Pangao-an, at mga kawani mula sa Provincial Engineer’s Office (PEO) sa pangunguna ni Engr. Esperidion Taladro.//idcd-pgo-