Amas, Kidapawan City | Disyembre 17, 2024 – Sa pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan at ng Diocese of Kidapawan, idinaos ngayong araw ang
“Lay Leaders Congress” sa Provincial Gym, Amas, Kidapawan City na personal na dinaluhan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA, mga pari at lay leaders ng pananampalatayang Katoliko sa lalawigan.
Sa temang “The role of church and state in establishing a political society: formation of moral responsibility,” binigyang-diin ang kahalagahan ng simbahan at estado upang maitaguyod ang isang moral at makatarungang lipunan na siya ring kinikilala ni Governor Mendoza.
Binuksan ang nasabing congress sa pamamagitan ng isang banal na misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Jessie Esparagoza, DCK, kasama si Rev. Fr. Hipolito P. Paracha, DCK na nagbahagi ng homiliya na nakasentro sa pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng tungkulin.
Nagpaabot din ng mensahe si Most Rev. Jose Colin M. Bagaforo, DD -Bishop, Diocese of Kidapawan at hinikayat ang lahat na palakasin pa ang pananampalataya at ipagpatuloy ang solidarity, cooperation at participation tungo sa Eucharistic revival, “matag-usa maging misyonaryo pinaagi sa pag-imbita ug pagtambong sa mga kasaulugan sa simbahan,” saad pa niya.
Sa nasabing Congress, tinalakay ang Moral Recovery Program na ipinapatupad ng pamunuan ni Gov. Mendoza batay sa kanyang inilabas na Executive Order No. 49 na nakaangkla sa Civil Service Commission Announcement No. 40, series of 2017.
Iprinisenta rin ni Rev. Fr. Gerardo T. Tacdoro, DCK, PhD bilang STMRP Catholic representative, ang layunin ng congress na pagkilala sa mahalagang papel ng simbahan at ng estado sa pagtatag ng maayos at makatarungang lipunan. Bahagi rin ng pagtitipon ang appreciation of Lay Leaders’ at fellowship lunch.
Dumalo naman dito si Boardmember Ivy Dalumpines-Ballitoc, Provincial Administrator Aurora P. Garcia, CPPO Provincial Director PCol Gilberto Tuzon, at iba pang mga department heads at kawani ng kapitolyo.//idcd-pgo j.abellana/photo by WSamillano&CSMombay//