Paglulunsad ng DSWD “Ready-to-Eat-Food (RTEF) box” suportado ng kapitolyo

Patuloy ang pakikiisa ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA sa mga programang ipinapatupad ng pamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na naglalayong matiyak ang kapakanan, kalusugan at kaligtasan ng taumbayan, kabilang na dito ang paglulunsad ng inisyatibong “Ready-to-Eat-Food (RTEF) box” na itinataguyod ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, katuwang ang Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).

Kasabay ng pagdaos ng DSWD Project LAWA and BINHI National Convention ngayong Lunes, ika-2 ng Disyembre 2024 sa SMX Convention Center, Pasay City na may temang, “Strengthening Risk Resiliency: Addressing Food Insecurity and Climate Change Impact through Project LAWA and BINHI and RTEF” ay isinagawa rin ang “presentation and ceremonial distribution of RTEF Box,” na dinaluhan ng 700 guests kasama si Board Member Ivy Martia Lei C. Dalumpines-Ballitoc bilang kinatawan ni Gov. Mendoza na suportado ang naturang hakbangin. Naroon din si DSWD Field Office-12 Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr. na parte ng 16 regional offices.

Taglay ng RTEF Box ang ligtas, masarap at masustansyang pre-cooked meals tulad ng “high-energy biscuit/cracker at nutty chocolate complementary food” na magiging bahagi ng relief items na agad na ibibigay sa mga “displaced families” sa panahon ng kalamidad.

Samantala, magbibigay daan din ang nasabing national convention upang higit na mapahusay pa ang ugnayan ng lahat ng stakeholders, kung saan magiging highlight nito ang pagbabahagi ng kanilang best practices sa mga ipinatupad ng Project LAWA and BINHI activities.//idcd-pgo-frigillana/photoby:BMIDalumpines-Ballitoc

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *