Serbisyo at programa ng pamahalaan, pinaramdan sa mga residente ng Brgy. Luhong, Antipas sa ginawang Serbisyong Totoo Caravan

Amas, Kidapawan City | Nobyembre 14, 2024 – Muling pinaramdam ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA katuwang ang national line agencies (NLAs), local government unit (LGU), Barangay Local Government Unit (LGU), at iba pang stakeholders, ang serbisyo at programa ng pamahalaan sa isinagawang Serbisyong Totoo Caravan sa Brgy. Luhong, Antipas nitong ika-13 ng Nobyembre 2024. 

Abot sa 1,400 residente ang dumalo at nakapag-avail sa iba’t ibang serbisyo mula sa kapitolyo at ng partner agencies, tulad ng sumusunod: medical and dental services, veterinary services, technical skills trainings, life support at first aid training, legal services, legal documents registration (birth, marriage, death, at iba pa), land tenure services, libreng gupit, pamamahagi ng bigas at fruit trees seedlings at marami pang iba. 

Nitong ika-12 ng Nobyembre, nakatanggap naman ng tig-10kg na bigas ang 482 pamilya ng naturang barangay sa isinagawang year-end relief ng kapitolyo. Bukod pa dito, nakapagbigay rin ng 300 hard hats at 100 Guyabano fruit trees seedlings ang Department of Agriculture (DA) XII para sa mga residente ng naturang barangay.

Layunin nitong tuluyan nang wakasan ang insurhensiya sa pamamagitan ng pagtutok sa mga isyung ugat ng kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay, at iba pang sanhi ng rebelyon, sa pamamagitan ng pinaigting na koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at LGUs.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Punong Barangay Richard Reyes sa pamahalaang nayonal sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., sa mga NLAs na lumahok at sa pamunuan ni Gov. Mendoza dahil napabilang ang kanyang barangay na nakatanggap ng biyaya mula sa pamahaalan at sa walang sawa nitong pagbibigay ng tulong at suporta sa mga Cotabateño. 

Nasa naturang aktibidad din sina Sangguniang Kabataan Provincial Federation President/Ex-Officio Boardmember Karen Michie De Guzman, Antipas Mayor Cris Cadungon, Department of the Local Interior Government (DILG) Acting Provincial Director Inecita Kionisala at marami pang iba.

Ang nasabing aktibidad ay matagumpay na itinaguyod ng Office of the Provincial Planning and Development Coordinator (OPPDC) at Provincial Task Force – End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) katuwang ang Provincial Budget Office (PBO) sa pangunguna ni Acting Head Cynthia Boston.//idcd-pgo-bellosillo/Photoby:PTF-ELCAC//