Gov. Mendoza, tiniyak ang pagsuporta at pag-alalay sa mga kooperatiba ng lalawigan

Amas, Kidapawan City | Oktubre 28, 2024 – Personal na binisita ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA ang isinagawang Cooperative Congress ngayong araw sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City na bahagi ng kulminasyon ng cooperative month na may temang “Cooperatives: Stronger Together Today for a Brighter Tomorrow”.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Gov. Mendoza ang mga naging kontribusyon ng mga kooperatiba sa pagpapaunlad ng iba’t ibang sektor ng pamayanan at inilahad din nito ang patuloy at sinserong pag-alalay ng kanyang pamunuan sa mga ito na isa sa mga naging tulay upang mas maraming Cotabateño ang maiangat ang antas ng pamumuhay.

Hinikayat din ng butihing gobernadora ang lahat na magtulungan at gabayan ang mga kooperatibang nagsisimula pa lamang lalo na sa aspeto ng pamamahala upang matiyak na maayos at wasto ang operasyon ng kanilang grupo.

Iba’t ibang aktibidad ang itinampok sa naturang kulminasyon tulad ng song solo, quiz bowl, dance contest at ang inaabangang paggawad ng parangal sa mga namukod-tanging grupo at indibidwal kung saan kabilang sa mga nakatanggap ng pagkilala ang mga sumusunod:

𝙊𝙪𝙩𝙨𝙩𝙖𝙣𝙙𝙞𝙣𝙜 𝘾𝙤𝙤𝙥𝙚𝙧𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚𝙨
Micro Coop Category- Stanfilco Kidapawan Consumers Cooperative
Small Coop Category – Liton Free Farmers’ Cooperative
Medium Coop Category- Kidapawan City National High School Teachers and Retirees MPC
Large Coop Category- Mediatrix Multipurpose Cooperative

𝙊𝙪𝙩𝙨𝙩𝙖𝙣𝙙𝙞𝙣𝙜 𝘾𝙤𝙤𝙥𝙚𝙧𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙇𝙚𝙖𝙙𝙚𝙧 – Gil Pastolero

𝙊𝙪𝙩𝙨𝙩𝙖𝙣𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙪𝙣𝙞𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝘾𝙤𝙤𝙥𝙚𝙧𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙚𝙧 (𝙈𝘾𝙊) – Emelina Carbonida

𝙊𝙪𝙩𝙨𝙩𝙖𝙣𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙒𝙤𝙢𝙚𝙣 𝙞𝙣 𝘾𝙤𝙤𝙥𝙚𝙧𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚
Meriam Sermonia – Midpapan 2 MPC
Mia Gonzaga – Bulucaon Farmers MPC
Erma Odal – Osias SN MPC
Erlinda Pantaleon – COPGEREMCO MPC

Samantala, nagpaabot din ng kanyang pagbati at pasasalamat sa pagsisikap ng mga opisyales at miyembro ng mga kooperatiba si Cooperative Development Authority (CDA) XII Acting Regional Director Juriski B. Mangelen. Dumalo rin sina boardmembers Joemar S. Cerebo at Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc, 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos at Provincial IP Mandatory Representative Arsenio M. Ampalid kung saan ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) sa pangunguna ni Acting PCDO Shirly C. Pace.//PhotobyWMSamillano, CSMombay, PCDO//