๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐Œ๐ž๐ง๐๐จ๐ณ๐š, ๐ฆ๐š๐ซ๐ข๐ข๐ง๐  ๐ค๐ข๐ง๐จ๐ง๐๐ž๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ฒ ๐ค๐š๐ฒ ๐๐’๐’๐  ๐€๐›๐ž๐ฃ๐š๐ฒ ๐ƒ๐ž๐ซ๐ข๐ฅ๐จ ๐ƒ๐š๐ง๐๐š๐ง

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ| ๐€๐›๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘- Mariing kinondena ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ang pamamaril at pamamaslang kay PSSg Abejay Derilo Dandan ng Carmen Municipal Police Station.

Si Dandan ay tinambangan at pinagbabaril ng hindi kilalang mga indibidwal gamit ang M16 assault rifle nitong gabi ng Martes, Abril 11, 2023 sa Barangay Katidtuan bayan ng Kabacan.

Naisugod pa ito sa pagamutan ngunit dahil sa dami ng tinamo nitong tama ng bala sa katawan ay binawian din ito ng buhay.

Nagpaabot naman ng kanyang pakikiramay sa pamilya at naulila ni PSSg Dandan si Governor Mendoza at nanawagan sa mga kapulisan ng malalimang imbestigasyon at mabilisang pagresolba sa kaso.//idcd-pgo-sotto//