Amas, Kidapawan City | Oktubre 23, 2024 – Inilarawan ni Governor LALA TALIรO-MENDOZA bilang pag-asa ng lalawigan ang mga kabataang mapalad na napili bilang benepisyaryo ng Provincial Scholarship Program ng pamahalaang panlalawigan kasabay ng pagbisita nito sa ginawang Memorandum of Agreement ( MOA ) Signing ngayong araw sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City.
Binigyang diin ng butihing gobernadora ang kagustuhan nitong maipaabot ang dekalidad at pantay na oportunidad sa bawat mamamayan saan mang sulok ng lalawigan upang matulungan ang mga ito sa kanilang pamumuhay. Aniya, “๐๐ ๐ฌ๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ซ๐๐ง๐ฎ ๐ค๐ฅ๐ฅ๐ค๐ง๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ฉ๐ฎ ๐ฉ๐ค ๐๐ ๐๐๐๐๐จ๐จ๐๐๐ก๐ ๐ฉ๐ค ๐๐ก๐ก ๐๐จ๐ฅ๐๐๐๐๐ก๐ก๐ฎ ๐๐ฃ ๐๐๐ง-๐๐ก๐ช๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ๐จ. ๐๐๐๐ฉ ๐๐จ ๐๐ฆ๐ช๐๐ก ๐ค๐ฅ๐ฅ๐ค๐ง๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ฉ๐ฎ ๐ฉ๐ค ๐๐ซ๐๐ง๐ฎ ๐ค๐ฃ๐.”
Inilahad din ni Gov. Mendoza ang iba pang programang patuloy nitong pinagsisikapang maitaguyod para sa mga kabataang Cotabateรฑo na isang patunay ng kanyang seryoso at sinserong pagmamalasakit tungo sa pagkamit ng maganda at maunlad na kinabukasan ng mga ito.
Nasa 630 na bago at kwalipikadong mag-aaral ng iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa probinsya ang natanggap sa scholarship program ng kapitolyo kung saan sumailalim din ang mga ito sa oryentasyon hinggil sa kanilang magiging responsibilidad at ang mga itinakdang alituntunin ng kapitolyo upang mapanatili ang naturang oportunidad ng programa.
Maliban sa MOA signing at orientation, nakuha na rin ng mga iskolar ang kanilang tig-P6,000 na allowance o kabuoang P3.78M na halaga ng pondong inilaan ng probinsya para sa unang semestre ng school year 2024-2025 na magagamit ng mga ito bilang pantustos sa kanilang pag-aaral.
Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ng Provincial Youth Development Office (PYDO) na pinamamahalaan ni Laarni Y. Blase bilang Division Chief. Dumalo rin si Boardmember Sittie Eljorie Antao-Ballisi kasama ang mga Provincial Advisory Council members na sina Dr. Gloria Mudanza, Vilma Gonzales, Sylvia Cabading at managing consultants na sina Alma Tuyan at Tessie Victoriano.//idcd-pgo-mombay/PhotobyWMSamillano, CSMombay, TBandali//