Amas, Kidapawan City | Hindi maikubli ang saya na nararamdaman ng mga residente ng walong mga barangay sa bayan ng Midsayap matapos pangunahan at pormal na ipagkaloob ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ang P56,936,794.62 na halaga ng proyektong pang-imprastraktura sa kanilang bayan ngayong araw, Mayo 14, 2024.
Bahagi ng nasabing pondo ay ang P51,936,794.62 na inilaan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato para sa sumusunod na mga proyekto:
– ๐,๐๐๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ซ๐ฌ ๐ซ๐จ๐๐ ๐๐จ๐ง๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ง๐๐๐ (๐๐,๐๐๐,๐๐๐.๐๐)
– ๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐๐ ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ (๐๐๐ง๐จ๐ฉ๐ฒ & ๐๐ฅ๐๐๐๐ก๐๐ซ๐ฌ) ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐ ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐
(๐๐,๐๐๐,๐๐๐.๐๐)
– ๐๐จ๐ง๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐จ๐ ๐,๐๐๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ซ๐ฌ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐ซ๐จ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐๐ง๐ ๐๐๐๐ง (๐๐,๐๐๐,๐๐๐.๐๐)
– ๐๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐๐ ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐๐ฅ๐๐๐๐ก๐๐ซ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ญ๐๐ ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐ฉ๐ฉ๐๐ซ ๐๐๐๐๐ฌ (๐๐,๐๐๐,๐๐๐.๐๐)
– ๐๐จ๐ง๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐จ๐ ๐ซ๐จ๐๐ ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ซ๐จ๐ค ๐๐๐ญ๐ข๐ง๐๐๐๐ง๐ ๐จ๐ง, ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐จ๐ฐ๐๐ซ ๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ฐ๐๐ง (๐๐,๐๐๐,๐๐๐.๐๐)
– ๐๐จ๐ง๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐จ๐ซ ๐๐จ๐๐, ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐ข๐ฅ๐๐ฒ๐ (๐๐,๐๐๐,๐๐๐.๐๐)
– ๐๐จ๐ง๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐, ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐ข๐ญ๐จ๐ค๐ (๐๐,๐๐๐,๐๐๐.๐๐)
– ๐๐จ๐ง๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ซ๐จ๐ค ๐๐๐ง ๐๐จ๐ช๐ฎ๐, ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐ญ๐. ๐๐ซ๐ฎ๐ณ (๐๐,๐๐๐,๐๐๐.๐๐)
Bahagi rin dito ang P5M na halaga ng 2-storey Multi-purpose Building ng Brgy. Macasendeg na pinondohan naman ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pamumuno ni Deputy Speaker at TUCP Representative Raymond Democrito C. Mendoza.
Ayon sa ina ng probinsya, ang kaliwa’t-kanang pamamahagi ng mga programa at proyekto sa mga barangay sa lalawigan ay bahagi ng pagsisikap ng kanyang pamunuan na mapagaan ang pamumuhay ng mamamayang Cotabateรฑo at pagsulong ng kaunlaran sa mga komunidad.
Lubos naman ang pasasalamat ni Municipal Mayor Rolando “Rolly” Sacdalan kay Governor Mendoza at sa TUCP Partylist sa patuloy na pagbuhos ng mga programa sa kanyang nasasakupan na aniya ay patunay lamang kung gaano ka-seryoso ang “Serbisyong Totoo” sa paglilingkod.
Kasama rin ni Governor Mendoza sa isinagawang turnover sina Boardmember Sittie Eljorie Antao-Balisi, Midsayap Vice Mayor Vivencio Deomampo, Provincial Advisory Council (PAC) members Rosalie Cabaya at Shirlyn Macasarte-Villanueva, at mga municipal councilors ng naturang bayan.//PGO-Sopresencia Photoby:WMSamillano//